Paksa: Social Media
Para Kanino: Sa mga gumagamit ng Social Media
Layunin: Maipahayag ang mga positbo at negatibong aspekto ng Social Media.
Estilo: A. Panimula: Paglalarawan
B. Katawan: Paangulo
C. Wakas: Pagbubuod
Ang social media ay isang online internet based softwarw na kung saan ang mga tao ay napapahintulutan mag-interact ng mga pangyayari sa kanilang buhay o mga pangyayari sa sosiyudad. Facebook, Twitter at Instagram ay iilan sa mga halimbawa nito na ginagamit ng mga kabataan ngayon at pati na rin ang ibang matatanda. Habang tumatagal nagagamit na ito sa mga business at pagpapahayag ng mga balita.
Isa sa mga dahilan na kung bakit ang mga kabataan at nakakatanda ay nahooked sa pagkuha ng litrato, pagpopost at pagbablo sa kanilang mga social media accounts. Magandang daan ang social media para makausap at updated tayo sa ating mga kaibigan at kamag-anak natin na sa malayo mga malayong lugar. Mabilis ang transaksyon nang dahil dito. Kahit saang parte man ng mundo ang ating kamag-anak at kaibigan, kaya natin sila kausapin o i-chat. Maipahayag din natin ang nasa loob ng isip at mapadadama sa iba ang mga ideya,komento o opinyon tungkol sa isang bagay. Sa makikita nating mga posts sa social media,merong mga bagay na nakakatuwa at nawawala ang badtrip.
May mga ilan na masayado silang bukas sa social media at minsan nasasabi nila ang mga hindi na nila dapat sabihin sa publiko at nawawalan sila ng privacy. Naadik na ang iba sa pagagamit ng social media at halos nagpupuyat ang mga gumagamit nito na makakasaama sa ating kalusugan. Nakaapekto din ito sa ating pag-aaral kapag inilaan sa social media, maaring makalimutan na mag-aral.
Iilan lamang itong masasamanv epekto ang aking naisulat, marami pang iba. Sa huli ang balanseng pagamit ng social media ay dapat nating isalang-alang. Ang masamang epekto nito ay maiwasan kung may sapat na patnubay ng mga magulang ang mga kabataan na gumagamit nito. Gayundin na dapat may disiplina at self-control ang mga gumagamit ng social media.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento