Biyernes, Hulyo 21, 2017

Maling paggamit ng Social Media

Scarlet Gay Langreo


Paksa:Social media
Para kanino:para sa mga taong gumagamit ng social media at sa mga gagamit palang
Layuni: Para malaman ng mga tao ang tamang pag-gamit ng social media.

Estilo:
A.Panimula(pagtatanong)
Ano nga ba ang tamang paraan ng pag-gamit ng social media at ano ano ang negatibong epekto nito? Bakit kailangan nating malaman ang mga epekto nito sa mga tao? Ang social media ay madalas na nabibigyan ng mga negatibong kritisismo dahil narin sa paraan ng pag-gamit nito ng mga tao.

B.Katawan(patiyak/pasaklaw)
Ang social  media ay isang Internet na base ng software na pinahihintulutang makipag-ugnayan ang mga tao sa pamamagitan ng pagbahagi ng gusto nila i bahagi isa ito sa kinahuhumalingan ng nakararami kaya dapat bating malaman ang tamang pag-gamit ng social media para walang panlilinlang at bangayan.Maaaring sa pamamagitan ng mga maliliit na gawaing ito ay matulungan natin ang ating mga sarili. Dapat nating tandaan na ang social media ay isang publikong lugar,lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan . Parating ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng article bago mag komento at hindi lahay nang nakikita sa internet ay totoo. Maraming negatibong epekto ang social media isa dito ay maraming tao ang napupuyat sa paggamit ng facebook,hindi ito maganda sa mga kalusugan ng mga tao lalo na ng kabataan. Social media rin ang dahilan kung bakit ang ibang tao ay binabago nila ang kanilang mga impresyon sa ibang tao. Nawawalan narin sila ng personal space.

C. Wakas (pagtatanong)
Kailangan paba nating umabot sa pag aaway-away at maranasan ang lahat ng negatibong epekyo ng social media?Kailangan nating tandaan na ang responsableng pag-gamit ng social media ay ang tabging solusyon upang maibalik natin ang kaayusan at katiwasayan online. Kung ang bawat isa sa atin ay responsable sa ating pag-aasal sa social media. Gamitin natin ang social media ng tama.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento