Dianne Yllorine P. Palanog
Paksa: Politiko
Para Kanino: Para sa mga politikong nagnanakaw ng kaban ng bayan parasa sariling luho.
Layunin: Upang mapangaralan ang mga politikong masahol pa sa hayop.
Panimula
KORUPSYON, Maitututring ba itong sakit ng lipunan o distraksyon sa mga mamamayan? gaano na nga ba ito kalala? Ang korupsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.” Halos magkahulugan na nga ang dalawa. At hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”,pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang “korapsyon.” Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa indibidwal na tao. Ang bawat isa sa atin ay may “potency” o kakayahan para magkaroon ng korapsyon. Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema na ito.
Ano nga ba ang dapat gawin sa mga politikong magnanakaw? Papababayaan lang ba atin ang kanilang mga ginagawa dahil hawak nila dila niyo? Ang isang kriminal ay dapat pagbayaran ang mga kasalanang nagawa.
Gitna
Sa likod ng KORAPSYON may KAHIRAPANG magaganap sa ating nasyon. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na antin kayang tustusan?
Wakas
Hahayaan lng ba natin na palaging ganito ang atong sitwasyon? Na palagi tayong ninanakawan? Ang prea na ikakaunlad sana ng ating bansa at nga mga mamamayan ay mapupunta sa luho? Alam ba natin kung ano ang pagkaiba ng isang magnanakaw sa isang politiko? Ang magnanakaw ay magnanakaw muna bago tatakbo, samantala ang pulitiko ay, tatakbo at magnanakaw. Sa ganitong sitwasyo, ang laging pinagnanakawan, ang laging pinagkaitan ng pag unlad, sa tingin niyo ba ay uunlad pa kaya ang Pilipinas? Para sa akin? Oo naman kapag wala ng Politikong magnanaw ibig sabihin, IMPOSIBLE.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento