Holy Kea H. Guavino Grade 12 STEM12H
Paksa: Colonial Mentality
Para Kanino: Sa mga Pilipino
Layuni: Imulat ang mga mata ng mga Pilipinong may colonial mentality.
Estilo:
a. Panimula- Tuwiramg Sabi
b. Katawan- Pag-aangulo
c. Wakas- Pagtatanong at Pagbubuod
“Imulat ang mga Mata”
“Tangkilikin ang sariling atin”, ang kadalasang bukambibig ng mga Pilipino. Subalit, bili naman doon at bili ditto ng mga samu’t-saring imported na produkto. Colonial mentality ang nangingibabaw sa isipan ng mga tao. Ito ay nagbunga ng pag-iba ng sariling pananaw o perspektibo. Uumpisa lamang ito sa material na bagay, susundan ng kung paano magsalita o kumilos hanggang sa tuluyang baguhin na ang pagkatao.
Sa pamilihan, maraming pagpipilian na mga produkto. Ito ay mapa pagkain man, panlinis sa katawan, magagarang damit, sapatos at marami pang iba. Kung maaring buksan lang ang mga isipan ng bawat mamimili, marahil halos lahat ay nag-aasam na pumili ng produktong galing ibang bansa. Nakatatak na kasi sa isipan ng mga Pilipino na kapag branded ang mga gamit na suot, ibig sabihin ay mas magara, magaro at hindi mahuhuli sa usong dala ng panahon. Isa lamang ito sa mga sitwasyong nagpapatunay na umiiba na nga ang pananaw ng tao. Kung palawakin ito, ang isang taong nakasanayan na ang ganitong lifestyle ay maaring magdala ng impluwensiya sa lahat. Lalo na sa isang indibidwal na ibinabatay ang mga desisyon sa sinasai ng paligid. Masyado kasing nakosentro ang isipan sa kung anong sinasabi o reaksiyon ng iba. Hindi rin naman kasi magugustuhan kapag sinabi ng kapit-bahay mo na masyadong simple o ordinary, o di kaya’y sasabihin ng barkadang hindi ito kaaya-aya sa mata. Ano nalang ang mangyayari kung sundin ang laha ng sikat sa ibang bansa? Nakadepende ito sa tao kung hahayaan niyang magpadala sa impluwensiya na maaring mawalan ng puwang ang pagkapilipino at kung sino ba talaga siya.
Hindi lamang sa pananamit o materyal na bagay ito maihahalintulod kundi maging sa mas mataas ng lebel ng ating pagkatao. Tulad na lamang ng kung paano kumilos at magsalita ang isang indibidwal. Ang pagkilos at pagsalitra ay may malaking ambag na nagsasalamin sa kung sino man tayo. Dahil ang mga kaugaliang natutunan ay maipapakita lamang sa pamamagitan ng mga ito. Kung kaya, ang pagbago o paggaya ng kilos at pagsalita ay maaaring makaapekto sap ag-uugali ng isang tao. Halimbawa nito, ay ang taong nais magtunog british o kumilos ng iba sa kanyang kinagisnan. Kung magpapatuloy ito, mayroong posibilidad na makuha rin pati ang mga kaugalian.,
Wala namang masama manggaya sa iba dahil ng maliit pa tayo, nagsimula rin naman ang lahat sa pagsunod sa mga bagay na ating makikita. Subalit, hindi lahat ng uso o nakikita sa paligid ay wasto. Lalo na sa mga taong may sapat na gulang, may kakayahan ng tukuyin kung anong tama o mali. Kaya higit na kailangang marunong tayong magbalanse ng mga bagay-bagay upang hindi aabot sa puntong hindi ka na ang tunay mong sarili.
Ang bawat tao’y pinanganak na may natatanging kakayahan. Minsan, nababago ng mga pananaw sa paligid at sa ating sarili na dahilan upang gusto nating baguhin. Pero lagging isaisip na may limitasyon ang lahat. Lalo na pagdating sa ating sarling kultura, produkto at mga bagay na nagsisimbolo sa kung sino ba talaga tayo. Kaya ang tanong, sapat na a ang mga salitang “tangkilikin ang sariling atin”?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento