Krystal lynn may hinolan
Stem 2-H
Paksa:social media
Para kanino: Mga gumagamit ng social media
Layunin: Ipamulat sa mga gumagamit ng social media kung ano ang tama at mali sa paggamit ng sociql media.
Estilo:
A.Panimula: paglalarawan
B.Katawan: Pakronolohikal
C.Wakas: Patanong
Marami satin ang gumagamit ng social media mapa bata man o matanda at may iba't-ibang website ang social media na pwede mong bisitahin tulad ng facebook,google,instagram at twitter,ito ang mga sikat na website na ginagamit ng karamihan. Pero paano kung sumobra ang paggamit nila dito? Na humatong na sa pagkawalang respeto sa sarili, panghuhusga ng kapwa,pagkalat ng malalaswang litrato, panonood ng mga bata at kabataan ng pornograpiya, mga video ng mga lalaki nag papakita ng pagkalalaki nila sa harap ng babae at maraming tao, at panloloko ng kapwa.ikaw, oo ikaw tong nagbabasa ng isinulat ko sigurado kabang sa tama mo ginagamit ang social media at hindi sa mali? Kung hindi basahin mo itong sinulat ko para sayo.
Noong 1989 naimbento ni Sir Tim Berners-Lee ang world wide web o website at sa nagdaang panahon marami na naimbentong website ang mga tao tulad ng instagram kung saan makakapagpost ka ng mga litrato lamang, twitter kung saan makakapagpost ka ng sarili mong salaoobin sa mga nangyayari man sa mundo iyan o sa iyong satili, facebook dito pwede ka mag poat ng litrato o gusto mong sabihin, google ginagamit sa paghahanap ng gusto mong ma diskobre at iba pang mga website. Tulad ng ainulat ko kanina sa panimula paano kung sa mali mo ito nagamit o sumbra ang paggamit mo sa mga social media na ito? Tulad ng nakikita natin ngayon sa facebook mga litrato ng mga malalaswang babae at lalaki , mga video ng dalawang taong nagtatalik. Hindi ba nila alam o sadyang pinost nila ito para makita ng mga bata kaya hindi na ako nagtataka na pati bata marunong ng manggahasa.may mga babaeng binabastos harapharapan dapat wag tayong manahimik sa isang tabi lamang matuto tayong lumaban at umaksyon para hindi na nila ito gawin pa sa iba dahil sa panahon ngayon wala ng oinipili ang mga malilibog at mababastos na mga lalaki. Pero may mahahalaga paring tungkulin ang social media ito ay ang pag kokomunikasyon sa mahal mong malayo sayo tulad ng messenger at yahoo chat room dito mapapadali mong maibigay ang mensaheng gusto mong sabihin sa taong yun hindi tulad dati kailangan mo pang ipadala ang sulat sa mahal mong malayo sayo. Kung dati kailangan pa natin bumili ng dyaryo para magbasa ng balita pero ngayon makikita mo na ito sa social media at maba asa o mapapanood mo parin ang balitang hindi mo napapanood sa telebesyon at kung dati ang mga estudyante ay kailangan pang pumunta sa silid aklatang upang gumawa ng kanilang proyekto o takdang aralin pero ngayon mag internet kalang at pumunta sa google at hanapin ang guato mong hanapin o tumuklas ng bagong kaalaman. Pero alam mo ba na nakakaepekto din ito sa kabataan tulad ng pagiging adik sa social media yung tipong makaharap lang sila lagi sa kompyuter ay hindi na sila makakaen o kaya napapabayaan na ang kanilang pag-aaral at bilang magulang ng mga anak dapat natin sila gabayan sa tama o maling paggamit ng social media dahil hibdi lahat ng nakapaloob sa social media ay tama para sayong mga anak o para sa mga taong gumagamit ng social media.
Ikaw alam mo na ba ang tamang paggamit ng social media?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento